Home NATIONWIDE Higit P690K shabu nakumpiska sa QC buy-bust

Higit P690K shabu nakumpiska sa QC buy-bust

MANILA, Philippines – Sinabi ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno ni PCOL Melecio M Buslig, Jr ang pag-aresto sa 13 drug suspects at pagkakakumpiska ng P693,600 halaga ng shabu sa walong magkahiwalay na buy-bust at anti-criminality operations na isinagawa sa Quezon City sa loob ng 24 oras.

Ito ay bilang tugon sa direktiba ni PBGEN Anthony Aberin, Acting Regional Director ng NCRPO, na paigtingin ang anti-illegal drug operations sa buong Metro Manila.

Ayon sa pulisya, inaresto ng Project 6 Police Station (PS 15) sa ilalim ni PLTCOL Roldante Sarmiento si Benjamin Mantelo, 33 years old, at residente ng Brgy. Vasra, Quezon City dakong 9:05 ng umaga nitong Disyembre 27, 2024 sa harap ng No. 4 Fisheries St., Brgy. Vasra, Quezon City.

Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PS 15 laban sa suspek matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa pagtutulak ng ilegal na droga ng suspek.

Sa operasyon, isang undercover na pulis ang nagsilbing poseur buyer at bumili ng P1,000.00 halaga ng shabu sa suspek. Sa ibinigay na pre-arranged signal, siya ay inaresto.

Narekober mula sa suspek ang 70 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P476,000.00, isang pouch, at ang buy-bust money.

Kaugnay nito sa isa pang operasyon, alas-7:00 ng umaga ng Disyembre 27, 2024, naaresto ng Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim ni PLTCOL Josef Geoffrey Lyndon Lim ang suspek na si Rodel Hufancia, 45 taong gulang, residente ng Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City at Axell Estoesta, 20 taong gulang, residente ng Brgy. Ang Sta. Lucia, Novaliches, Quezon City sa harap ng Chris Barbershop na matatagpuan sa Pablo Dela Cruz St., cor De Guzman St., Brgy. San Bartolome, Novaliches Quezon City. Nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng PS4 nang i-flag ng mga ito ang isang motorsiklo habang sakay ang tatlong lakaki na walang helmet.

Sinabi ng QCPD na nagtangka pang tumakas ang mga suspek subalit agad din na nadakip ng mga pulis matapos ang maiksing habulan.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nadakip. Santi Celario