Home NATIONWIDE Higit P9.3M iligal na home appliances nasabat sa Bulacan

Higit P9.3M iligal na home appliances nasabat sa Bulacan

MANILA, Philippines – Mahigit P9.3 milyon ang halaga ng hindi rehistradong home appliances ang nasabat ng Department of Trade and Industry (DTI) sa dalawang warehouse sa Bulacan.

Nagsagawa ng beripikasyon at validation ang mga miyembro ng Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) ng DTI sa isa sa mga bodega sa Plaridel kasunod ng mga reklamo ng ilang consumer.

Kabilang sa mga nasabat ay washing machine, oven toaster, blender, electric fan, rice cooker, at multi-cooker. Ang mga kagamitang ito ay ibinebenta online sa kabila ng pagiging hindi rehistrado at hindi sertipikado, sabi ng ulat.

Sinabi ni DTI-FTEB director Fhillip Sawali na walang Philippine Safety and Import Commodity Clearance marks ang mga appliances na makikita sa bodega.

“Safety and quality po ang hinahabol natin dito. Nakakamura ang mga namimili online. Nakakamura dahil imported. But ayun po ang resulta, unsafe at walang kalidad na mga produkto,” aniya.

Ang dalawang bodega ay wala man lang permit at safety mark, dagdag pa ng ulat.

Ang mga nasamsam ay selyado at dadalhin sa bodega ng DTI bilang ebidensya. RNT