Home NATIONWIDE Higpit-seguridad ikinasa ng PNP ngayong holiday season

Higpit-seguridad ikinasa ng PNP ngayong holiday season

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo na inatasan ang mga unit nito sa buong bansa na paigtingin ang visibility sa pamamagitan ng regular na pagpapatrolya at pagtatalaga ng karagdagang tauhan sa high-traffic areas para sa holiday season.

Inihayag ni PNP chief Police General Rommel Marbil na bahagi ang presensya ng uniformed personnel sa mga mall, pamilihan, at  transport hubs sa gitna ng  holiday season ng misyon ng PNP na tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

“Christmas is a season of joy and giving, but it is also a period when criminal elements may exploit public vulnerability. The PNP is committed to making this season safe and secure for all Filipinos,” pahayag ng opisyal.

Base sa PNP, nakaantabay din ang quick response teams upang agad na makatugon sa mga aksidente.

Gayundin, sinisilip ng Anti-Cybercrime Group (ACG) ng PNP ang paglaban sa online scams at fraud na laganap tuwing Christmas season.

Pinaghahandaan na rin ng police force ang posibleng political activities, kabilang ang inaasahang rally ng Iglesia ni Cristo (INC) laban sa pagsusulong ng pagpapatalsik kay Vice President Sara Duterte.

“Our mandate is clear: to ensure public safety under any circumstances. The PNP is a professional and apolitical organization. We are here to serve and protect all Filipinos, regardless of the political climate,” dagdag ni Marbil.

Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes na nakikipag-ugnayan na ito sa iba pang ahensya bilang paghahanda sa INC rally. RNT/SA