MANILA, Philippines -Tinanggihan ng International Criminal Court plenary of judges ang kahilingan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na madisqualify sa pagdinig sa kanyang kaso ang dalawang hukom.
Sa desisyon ng plenary, walang ipinakitang pagkiling sina Judge Reine Adélaïde Sophie Alapini-Gansou at Judge María del Socorro Flores Liera para mag-inhibit sa paglilitis sa kasong crimes against humanity ni Duterte.
Sinabi ng ICC plenary of judges na umaaksyon batay sa kanilang tungkulin ang dalawang hukom.
Nagkaisa ang desisyon ng plenary of judges na kinikilala ng Rome Statute sina Judges Alapini-Gansou at Flores na maaaring gampanan ang tungkulin na nakatalaga sa kanila.
“No appearance of bias or lack of impartiality arise from the ordinary exercise by the judges of legal functions assigned to them under the Statute in respect of two separate legal decisions.”
Una nang hiniling ng kampo ni Duterte na madisqualify sina Alapini-Sansou at Flores para masiguro ang autonomiya at hindi pagiging bias sa pagsasagawa ng paglilitis.
Ang confirmation of charges ay nakatakda sa
Setyembre 23, 2025. TERESA TAVARES