Home NATIONWIDE  HIMARS inilunsad ng US, PH armies sa Salaknib

 HIMARS inilunsad ng US, PH armies sa Salaknib

MANILA, Philippines- Nagsagawa ang Philippine Army at ang United States Army Pacific (USARPAC) ng live fire exercise nitong Biyernes gamit ang High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS) sa Laur, Nueva Ecija.

Sinabi ng Philippine Army na bahagi ang aktibidad sa Canantong Fire Base ng umiiral na second phase ng Salaknib Exercise.

“Philippine Army’s Artillery Regiment and Field Artillery personnel from the US Army’s Multi-Domain Task Force worked closely together to maneuver, reload, and fire the HIMARS batteries,” pahayag ng Philippine Army.

“The HIMARS, a missile launcher mounted on a five-ton truck, is capable of firing six guided missiles in rapid succession,” dagdag nito.

Ang Salaknib ay isang bilateral training exercise na idinesenyo upang paghusayin ang interoperability at kahandaan ng dalawang armies, batay sa Philippine Army.

Noong Abril, sinimulan ng Philippine Army at USARPAC ang unang bahagi ng Salaknib.

Kabilang sa mga kalahok ang 1,800 sundalo mula sa Philippine Army’s 5th at 7th Infantry Divisions at Specialty Enabler units at 1,700 USARPAC  militar mula sa 3rd Infantry Brigade Combat Team, 25th Infantry Division. RNT/SA