Home NATIONWIDE Solon: Caramat posibleng tumestigo sa House probe sa POGO, EJKs

Solon: Caramat posibleng tumestigo sa House probe sa POGO, EJKs

MANILA, Philippines- Inaasahan ng House committees na nagsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y kaugnayan ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) crimes sa extrajudicial killings (EJKs) sa ilalim ng administrasyong Duterte na dadalo si Police Major General Romeo Caramat Jr. sa mga pagdinig.

Inihayag ito ni House dangerous drugs panel chairman Ace Barbers nitong Biyernes, matapos umanong mag-alok ni Caramat ng “tell all”  kapalit ng pagtatalaga sa kanya bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).

“Well, we’re expecting top PNP officials to come to the hearing. Criminal syndicates or organizations launder and clean their money through these legal [POGO] businesses that they establish in the country,” ani Barbers.

“There’s the CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) personnel, PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation) officials, and some PNP generals, including General Caramat,” dagdag ng mamababatas.

Kasado ang unang pagdinig sa “quadruple committee probe” sa susunod na linggo sa Agosto 15, 2024. 

“So many people are sending feelers that they want to testify before the quadcom (quadruple committee). We welcome all those who want to tell the truth. It’s their choice to testify or give information in an open hearing, or in a [closed door] executive session if it has national security implications,” ani Barbers.

“Pero wala pong kapalit [ang pagtestify]. Hindi po natin ito itotolerate, ‘yang [hihingi ng] mga kapalit. Gawin po natin para sa bayan, hindi para sa kanino man,” patuloy niya.

Noong Hunyo, hindi sumipot si Caramat sa House committee on human rights hearing sa EJKs, na nagresulta sa pagpapalabas ng panel ng show cause order laban sa kanya. RNT/SA