Home OPINION HINDI SISTER COMPANIES, WALANG ‘KONEK” SA ISA’T-ISA

HINDI SISTER COMPANIES, WALANG ‘KONEK” SA ISA’T-ISA

149
0

MULING iginiit ng negosyante at ngayo’y isa na ring politiko na si Rose Nono-Lin na walang koneksyon o hindi sister company ng kanyang Pharmally Biological and Pharmaceutical Company ang kontrobersyal na Pharmally Pharmaceutical Corporation na naging pakay sa imbestigasyon ng Quad Committee ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kamakailan.

Sa kanyang pagdalo sa QuadComm hearing, muling nilinaw ni Nono-Lin, may-ari ng Pharmally Biological, na hindi siya opisyal o may-ari ng kontrobersyal na pharmaceutical company.

Naunang ginawa ang paglilinaw nang dumalo sa Senate Blue Ribbon Committee noong 2021 na nag-imbestiga sa P8-bilyong nakuhang kontrata ng Pharmally Pharmaceutical para sa medical supplies sa pagtugon ng Duterte administration sa Covid-19 pandemic kung saan ay sinasabi na ang kompanya ay may puhunan lamang na P625,000.

“I have no involvement in the operations of Pharmally Pharmaceutical Corp. Pharmally Biological is a different entity, and has no shares or stocks with Pharmally Pharmaceutical,” ani Nono-Lin.

“I am just an ordinary citizen and businesswoman making a living in a legal and fair means. All the accusations against me and my family were purely hearsay,” dagdag pa nito.

Lumabas sa mga dokumento na ang asawa ni Nono-Lin na si Lin Wei Xiong, isang Hong Kong national, na financial manager ng Pharmally Pharmaceutical, at isang malapit na kasama ni dating presidential adviser Michael Yang, ang nagbigay ng pondo sa nabanggit na kompanya.

Binanggit ng mga abogado ni Nono-Lin na ang nasabing mga dokumento ay hindi nagpapatunay na ang Pharmally Biological at Pharmally Pharmaceutical Corporation ay sister companies o siya’y isang opisyal o shareholder ng huli na may kontrata sa gobyerno.

Habang kinikilala na ang asawa ni Lin at si Yang ay kasosyo sa ilang mga aktibidad, ipinunto ng mga abogado ni Nono-Lin na wala itong napatunayan.

“All these are speculations. She is neither an officer [of Pharmally Pharmaceutical] nor involved in the operation or implementation of the contract,” sabi pa ng mga abogado niya.

Sa mga nagaganap na imbestigasyon, nararapat lang na managot ang mga tunay na may sala lalo sa pagnanakaw sa kaban ng bayan subalit tama ring malinis ang pangalan ng mga inosente at dinadawit lamang.

Tanungin n’yo pa si kaibigang tunay William D.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here