
MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Nicholas Kaufman, ang lead counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), ang mga pahayag ng mga kinatawan ng mga biktima na sina Kristina Conti at Joel Butuyan.
Ayon umano sa mga pahayag nila, hiniling ng kampo ni Duterte na limitahan ang partisipasyon ng mga biktima sa mga pagdinig sa pamamagitan ng pagtanggap lamang ng mga pasaporte o National IDs bilang patunay ng pagkakakilanlan.
Nilinaw ni Kaufman na wala silang ginawang ganitong kahilingan. Ang layunin nila ay para lamang sa mga ID na maaaring beripikahin, na ayon sa mga kinakailangan ng sistema ng seguridad ng Pilipinas.
“This whole thing about the judges rejecting my proposal never happened. All that happened was two activists, victims’ representatives by the names of Joel Butuyan and Kristina Conti who made all sorts of assertions in the press that I asked to restrict victims’ participation in the process by limiting the ID documents that could be used,” paliwanag ni Kaufman sa isang interbyu sa The Hague.
“That never happened. All I was doing was relying on what supposed the Philippine security system requires for ID to be verified in the Philippines,” aniya pa.
Nilinaw ni Kaufman na wala silang ginawang ganitong kahilingan at ang kanilang layunin ay para lamang sa mga ID na maaaring beripikahin, na ayon sa mga kinakailangan ng sistema ng seguridad ng Pilipinas.
Ipinahayag din ni Kaufman na pinaikli na ng ICC ang mga patakaran sa ID at tinanggap na ang iba pang dokumento tulad ng barangay clearance at birth certificate.
Dagdag pa ni Kaufman, hindi pa tinatanggap ng ICC sina Conti at Butuyan bilang mga legal na kinatawan ng mga biktima. RNT