Home NATIONWIDE Hirit ng kampo ni Digong na pag-inhibit ng 2 ICC judge sa...

Hirit ng kampo ni Digong na pag-inhibit ng 2 ICC judge sa kanyang kaso tablado

MANILA, Philippines- Hindi pinagbigyan ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber ang apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na huwag lumahok sa pagdinig ng kanyang kaso ang dalawang judge ng ICC.

Sa apat na pahinang desisyon, binigyan-diin ng chamber na ang pag-inhibit ng isang judge ay maaari lamang gawin ng mismong judge sa presidency at hindi tinatanggap ang hiling na disqualification ng partido.

Ang naturang desisyon ay pirmado ni Presiding Judge Iulia Antonella Motoc.

“The possibility for that person to invite or request judges to seek excusal before the Presidency is thus not contemplated in the statutory texts. As stated by the Presidency, no preemptive request may be made by the parties that a judge request his or her excusal’ and such course of action ‘lacks procedural propriety’,” nakasaad sa desisyon.

Hiniling ng kampo ni Duterte ang partial excusal ni Judge Reine Adélaïde Sophie Alapini-Gansou at ni Judge María del Socorro Flores Liera dahil sa usapin ng hurisdiksyon bunsod ng posibilidad ng pagiging bias ng mga ito.

Dahil ito anila sa naging ruling kamakailan ng mga judge sa mga isyu sa Pilipinas.

Naghain rin ang kampo ng dating Pangulo ng “Defence Challenge with Respect to Jurisdiction” at hiniling na agad itong mapalaya sa kustodiya ng ICC sa The Hague, Netherlands. Teresa Tavares