Home METRO Mga senior ng Novaliches nakataya sa Senior Citizen Partylist

Mga senior ng Novaliches nakataya sa Senior Citizen Partylist

Quezon City, Philippines- Naghayag ng kanilang suporta ang mga senior citizen ng Novaliches, Quezon City kay Senior Partylist Congressman Ompong Ordanes upang makabalik ito sa panunungkulan matapos ang halalan sa Mayo 12.

“Ito lamang ang aming paraan upang maisakatuparan ang aming mga pangarap,” paliwanag ni Louie Laoit, Pangulo ng Liga ng mga Senior Citizen ng Novaliches, District 5 ng lungsod.

Saad pa Laoit, si Ordanes lamang ang nakapagbigay sa kanila ng tunay na serbisyo bilang lingkod bayan, at kongresista.

“Ipinakikita niya talaga ang kanyang pagmamalasakit sa sektor na kanyang kinakatawan,” dagdag pa ng opisyal.

Si Ordanes, anila, ay nakipagtambalan pa kay 5th District Congressional candidate Rose Lin, sa pamamagitan ng Foundation nito, na makapagbigay sa kanila ng isang Hemodialysis Center na matatagpuan sa GD Plaza, No. 717 Quirino Highway sa is Brgy San Bartolome, Novaliches.

“Napakalaking bagay ito, para sa amin. Dahil libre ang gamutan sa nasabing dialysis center,” ang sabi naman ni Marcelo Macasinag, vice president ng grupo.

Ayon naman kay Renato Briones, kalihim ng samahan ng mga Senior Citizen, nasa tinatayang 50,000 miyembro na ang kanilang samahan, na binubuo ng iba’t ibang samahan at organisasyon ng mga nakatatandang residente ng Novaliches na may 14 na barangay.

Dagdag pa ni Briones, sa kanilang lugar sa Barangay Gulod lang ay mayroong 37 samahan ng mga Senior Citizen na siguradong iboboto na ang Senior Citizen Partylist ni Ordanes.

Ang mambabatas, ay nasa ikalawa niyang termino kung papalarin muli sa darating na halalan sa Lunes.

Nangako naman si Ordanes na kanyang pag-iibayuhin ang paglilingkod, at paglalaan ng mga pasilidad para sa mga Senior Citizen ng bansa. RNT