Home NATIONWIDE HIV advocates nanawagan ng dagdag pondo, paglaban sa stigma

HIV advocates nanawagan ng dagdag pondo, paglaban sa stigma

4
0

MANILA, Philippines – Ilang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagsagawa ng protesta ang Philippine Anti-Discrimination Alliance of Youth Leaders (PANTAY) at UNAIDS sa Elliptical Road, Quezon City bilang paggunita sa Zero HIV Stigma Day.

Nanawagan ang mga grupo sa pamahalaan na dagdagan ang pondo para sa HIV programs at serbisyo, kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV, lalo na sa mga kabataan.

Bilang bahagi ng kampanya, namahagi sila ng mga sumbrero sa mga commuter bilang simbolo ng proteksyon at upang hikayatin ang pag-alis ng stigma sa paggamit ng mga HIV prevention tools tulad ng condoms at Pre-Exposure Prophylaxis (PrEP). DANNY QUERUBIN 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here