Home HEALTH HIV sa Pinas sumipa ng 418%

HIV sa Pinas sumipa ng 418%

MANILA, Philippines – Tumaas sa average na 418% bawat taon mula 2010 hanggang 2022 ang mga kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas, kung saan halos kalahati ng mga bagong impeksyon ay nasa edad na 15 hanggang 24 taong gulang.

Sa ulat ng 24 Oras, binanggit ang datos ng Department of Health, mula Enero 1984 hanggang Hunyo 2023, may kabuuang 117,946 na impeksyon sa HIV ang naitala sa bansa.

“Our reality is that HIV prevention progress for the Asia Pacific has virtually stalled,” sabi ni Eamonn Murphy, UNAIDS Regional Director sa Asia at ang Pacific, Eastern Europe and Central Asia Regions.

“Since 2010 there has been just a 14 percent reduction for the region as a whole. In places with rising epidemics as you can see in the red, we need an urgent focus on concrete, population-specific interventions led by communities themselves,” dagdag pa ni Murphy .

Upang mahikayat ang mga tao na sumailalim sa HIV testing, ang Love Yourself group ay inilunsad ang #WhatWorksForYou campaign na pinangunahan ni Miss Universe Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Sa selebrasyon ng World AIds Day, inilunsad ng Quezon City ang libreng HIV screening site sa Quezon City Hall.

Libre ang nasabing testing site Hanggang Dis.8 ngunit ang lungsod ay nag-aalok din ng libreng HIV testing sa ibat-ibang clinic

The testing site is only free until December 8, but the city also offers free HIV testing in various clinics.

Ang pangunahing paraan ng pagkalat ng sakit ay ang sexual transmission na naging mas madali na ngayon dahil sa mga dating application o dating site, ngunit isa pang dahilan ay ang kakulangan ng kaalaman.

“Only 31% ng mga kabataan natin edad 15 to 17 years old ang nakakaalam kung ano ba ang HIV at kung papano ito mapre-prevent,” sabi ni UNAIDS Country Director Dr. Louie Ocampo.

Pinapayagan naman ang 15 hanggang 18 taong gulang na sumailalim sa HIV test kahit walang parental consent. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleRevised Magna Carta for Public School Teachers’ ikinasa ni Gatchalian
Next articleNavotas ginawaran ng Silver Seal of Protection