Home NATIONWIDE Hiwalay na imbestigasyon sa NBP stabbing incident idinulog sa NBI

Hiwalay na imbestigasyon sa NBP stabbing incident idinulog sa NBI

MANILA, Philippines – Hiniling ng Bureau of Corrections (BuCor) sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na magsagawa rin ng imbestigasyon sa insidente nang pananaksak sa New Bilibid Prison na ikinasawi ng isang inmate at ikinasugat ng dalawang iba pa.

Lumiham ang BuCor kay NBI Director Jaime Santiago at kay PNP Chief Rommel Marbil para magsagawa ng parallel investigation para sa transparency.

Pinangalanan na ng BuCor ang namatay na inmate na si Ricardo Peralta, habang ang mga nasugatan ay ang mga inmate na sina Reginal Lacuerta at Bert Cupada.

Iniutos na ni Bucor Officer-in-Charge Al Perreras kay NBP Acting Superintendent Roger Boncales na agad isumite ang komprehensibong ulat.

Sinabi ng BuCor na hindi bababa sa apat na inamate na pinaniniwalaang sangkot sa gulo ang patuloy na iniimbestigahan. TERESA TAVARES