Home ENTERTAINMENT Hiwalayang Sunshine at Atong, fake news!

Hiwalayang Sunshine at Atong, fake news!

Manila, Philippines – Walang katotohanan ang tsikang hiwalay na diumano sina Sunshine Cruz at ang negosyanteng si Atong Ang.

May kung sino kasi ang nagkakalat ng balita na very obvious naman ay galing sa kampo ng taong sa simula pa lang ay against sa relasyong Sunshine at Atong.

Ang hindi lang marahil matanggap ng mga detractors ni Sunshine ay ang malaking katotohanan na very much in love si Atong sa aktres, huh!

At sa totoo lang, lahat ng gusto ni Sunshine ay walang hindi sinusunod ng negosyante, huh!

Pero sa totoo lang din naman, hindi abusada ang si Sunshine.

Kaya ito raw ang dahilan kung bakit lahat ng barkada ni Atong ay botong boto raw sa aktres, huh!

Ayon pa sa nakausao naming close sa dalawa ay ipinasauli raw ni Sunshine ang isang mamahaling sasakyan na ipinadala sa kanya ni Atong.

Kahit ipinilit na raw sa kanya ay ipinabalik niya ito sa negosyante, huh!

Hindi lang daw sasakyan kundi may isa pa ring napakamahal na bagay na hindi mabanggit banggit ng source namin dahil tiyak daw na malalaman ni Sunshine na siya ang nagbalita sa amin, huh!

Tuwang tuwa rin naman daw ang mga barkada ng negosyante para kay Atong dahil sa pagiging mabait at hindi materialistic ni Sunshine.

Samantala, on negotiations daw ang isang malaking proyektong supposed to be ay pagbibidahan ni Sunshine, huh! Jimi Escala