Home NATIONWIDE Holy Hour para kay Pope Francis idaraos sa Manila Cathedral sa Biyernes

Holy Hour para kay Pope Francis idaraos sa Manila Cathedral sa Biyernes

MANILA, Philippines- Sa harap ng hamon na pinagdadaanan ngayon ni Pope Francis sa kanyang kalusugan, ang Simbahang Katolika ay nanawagan na makiisa sa panalangin para sa papa.

Kasabay nito, madaraos ng Holy Hour sa Manila Cathedral bukas, Pebrero 21, para ipanalangin ang agarang paggaling ni Pope Francis.

Sa inilabas na circular ni Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula, iniimbitahan niya ang mga mananampalatayang Katoliko na makiisa sa Holy Hour bukas na gaganapin alas-5 ng hapon.

Hinihikayat din ng Arsobispo ang mga parokya at komunidad sa Archdiocese of Manila na isama sa mga intension sa Misa, Holy Hour at iba pang community prayers ang kalusugan ng Santo Papa.

Si Pope Francis ay na-diagnose ng double pneumonia pero ayon sa Vatican ay stable na ang kondisyon nito ngayon. Jocelyn Tabangcura-Domenden