Home OPINION HONTIVEROS AT AQUINO HUWAG PAGSABUNGIN

HONTIVEROS AT AQUINO HUWAG PAGSABUNGIN

1
0

UMIINIT na ang usapin para sa halalang pampanguluhang 2028 sapagkat ilang buwan na lang ay 2027 na. Sa susunod na taon mas maaga ang filing of candidacy na itinakda ng Commission on Election kaya naman ng makailang ulit ng nagpahayag si dating VP at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo na hindi na talaga kakandidato ay tila nahahati ang mga kakampink at dilawan ng dahil kina Senadora Risa Hontiveros at Senador Bam Aquino.

Dati, nagpahayag si Aquino na hindi siya kakandidato bilang Bise Presidente sa 2028 kaya ibig sabihin nito gusto niya ay Presidente ang kanyang tatakbuhan habang ang mass organizations at manggagawa ay maraming beses ng nagsasagawa ng kabi-kabilang paglulunsad ng “Risa Na 2028 Movement” sa buong bansa.

Ayon sa ibang mga tao sa loob ng kalampink at dilawan, si Sen. Bam daw ang nararapat na maging standard bearer ng One United Democratic Opposition sapagkat sa nakaraang 2025 midterm election ay nag number two ito sa resulta ng halalan.

May kakayahan din umano itong lumaro sa ibang kampo ng mga politiko kahit sa mga Duterte sa Mindanao at nakakuha ng endorso ng Iglesia ni Cristo at ng Kingdom of Jesus Christ ni Pastor Apollo Quiboloy kaya umano mataas ang bilang ng boto nito noong nakaraan.

Samantala, ayon pa rin sa ibang mga tao sa loob ng kakampink at dilawan, mas karapat-dapat muna na maunang maging standard bearer sa 2028 ng One United Democratic Opposition ay si Sen. Risa sapagkat tapos na ang termino nito sa June 30, 2028 at si Bam naman ay hindi pa tapos ang termino.

Kung sa mga usapin at isyung bayan malinaw at matigas ang paninindigan ni Risa kagaya sa Anti-POGO, West Philippine Sea, pag-expose at paglaban sa korapsyon at katiwalian, makamanggagawa at karapatang pantao. Malinaw ang mga resulta ng imbestigasyon nito sa Senado na nagresulta ng pagkakulong sa mga nagkasala sa batas.

Idagdag pa na bagong apelyido ang dala ni Risa na hindi nagmula sa political clan at political dynasty. Tatak din niya ang mga katangian na hindi pa nasusubukang maging Pangulo ito ay ang pagiging palaban, makabayan at progresibo na katangian din ni Pangulong Luiz Inácio Lula da Silva o Pangulong Lula ng Brazil na makailang ulit ng nagwagi sa halalan doon.

Sa aking sariling opinyon ay hindi nararapat na pagsabungin ng mga tao sa loob ng kampo ng kakampink at dilawan sina Risa at Bam sapagkat pareho naman talaga silang may kakayanang pamunuan ang bansa at ang mas nararapat na gawin ay ang pagsusulong ng kanilang pagsasama o tandem bilang standard bearer ng One United Democratic Opposition.

Ang kanilang pagsasama bilang mag-katandem ang pinakamainam na mangyari bilang matibay na lalaban para tunay na mawakasan na ang korapsyon at kahirapan at totoong maranasan na ang kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng ating minamahal na bansang Pilipinas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here