MANILA, Philippines- Dalawang senador na hindi bumoto pabor sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund (MIF) bill ang nagpaliwanag ng kanilang mga pagkabahala sa panukala, na inaprubahan ng Kamara at naghihintay na lamang ng lagda ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Inamin ni Sen. Risa Hontiveros, bumoto laban sa panukalal, na “masaya” siya sa Senate version ng panukala na may kalakip na proteksyon laban sa posibleng pag-abuso.
“I am happy that the public has been heard and pension and social welfare funds are protected from the reach of the Maharlika fund… However, I maintain that the fund is not what we need now,” pahayag ni Hontiveros.
Sinabi ni Hontiveros na susuportahan niya ang “any action to raise this to the Supreme Court.”
Samantala, ipinaliwanag ni Sen. Nancy Binay kung bakit siya nag-abstain sa pagboto sa MIF bill.
“Sinuri po natin at tinimbang—ngunit sadyang kulang,” ani Binay.
Base kay Binay, hindi siya maaaring bumoto ng “no” dahil kinikilala niya an “need to create fresh income sources… and create jobs for our people” ng bansa.
“I just cannot turn a blind eye on development and say no,” sabi ni Binay.
Subalit sinabi rin niya na wala siyang nakitang “compelling reason either to say yes.”
“Although the final bill has undergone many amendments up to the last hour of the deliberations—the content still lacks balance,” paliwanag niya.
“For all these reasons, I decided to abstain while hoping that the MIF will live up to its claim as a tool for economic development,” patuloy ng senador.
Nitong Miyerkules, ini-adopt ng Kamara ang Senate version ng panukala.
Kabilang sa malalaking pagbabago sa inaprubahang panukala ang probisyong nagbabawal sa state-run pension funds gaya ng Government Service Insurance System (GSIS) at sa Social Security System (SSS) na mamuhunan sa pondo. RNT/SA