Home NATIONWIDE Hontiveros: Grupo ni Alice Guo dumaan sa Kuala Lumpur bago nag-Sabah

Hontiveros: Grupo ni Alice Guo dumaan sa Kuala Lumpur bago nag-Sabah

118
0

MANILA, Philippines – Hindi pinaniwalaan ni Senador Risa Hontiveros ang palusot ni Shiel Guo, sinasabing kapatid ni dating Bamban Mayor Alice Guo na pumasok sila ng Sabah bago makarating ng Kuala Lumpur, Malaysiya.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa resolusyon na nagpapakansela sa pasaporte ng magkakapatid na Guo, sinabi ni Hontiveros na dumaan muna ng Kuala Lumpur ang magkakapatid galing ng Pilipinas, bago matatakan ang pasaporte sa Sabah.

Ayon kay Hontiveros, makikita sa pasaporte ni Shiela na may entry stamp ito noong Hulyo 18 sa Malaysia sa pamamagitan ng Kuala Lumpur International Airport.

“Itong verified information namin mula sa isang official na grupo sa Malaysia na ‘yung tatak na entry stamp sa Kuala Lumpur galing sa Denpasar, Bali,” ayon kay Hontiveros.

Ibinahagi ni Hontiveros ang impormasyon mula sa contacts nito sa Malaysia na nanahan ang magkapatid na Shiela at Wesley Guo sa naturang bansa simula Hulyo 8 hanggang 21.

“Legally, gamit itong Philippine passport niyo. pero si Alice ay dumating sa Kuala Lumpur, or at least dumating yung passport ni Alice sa Kuala Lumpur, pero wala siyang record,” aniya.

Taliwas ang nakalap na impormasyon ni Hontiveros sa naunang testimonya ni Shiela na umalis sila ng Pilipinas sa pamamagitan ng ilang bangka bago makarating sa Sabah.

Pagdating ng Kuala Lumpur, ayon kay Hontiveros, tumungo ang grupo sa Sabah.

Base sa impormasyon na nakalap ng senador mula sa Democratic Action Party ng Malaysia na nagpapakitang walang record ang grupo ni Guo sa legal na pagpasok sa Sabah.

“Ang problema hindi nag mamatch ang stamp sa totoong dapat na stamp kung Sabah talaga ang baba ninyo,” aniya.

“According to these stamps July 18, o basa ng iba July 19, kayo pumasok sa Malaysia pero via Kuala Lumpur. Kasi yung ganyang klaseng stamp daw ay itatatak lang sa passport kung galing ng KL,” dagdag ng senador.

Sa kabila ng hindi pagkakatugma ng impormasyon, pinagmatigasan ni Shiela Guo ang pagsasabi ng katotoyhanan sa harap ng paulit-ulit na banta ng mahabang pagkakakulong ng ilang mambabatas.

Sinabi pa ni Guo na dalawang beses lang siyang sumakay ng eroplano: una mula sa Sabah tungo sa isang lugar sa Malaysia saka nagtungo sa Singapore. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here