MANILA, Philippines – LUMIKHA ng ‘digital hotline’ ang gobyerno kasama ang Office of the Executive Secretary, Office of Civil Defense, Presidential Management Staff (PMS), Pag-asa, Office of the Presidential Communications Office, Appointment Secretary, Department of Interior and Local Government (DILG) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa paga-anunsyo ng suspensyon ng klase at trabaho, pampubliko man o pribado.
Sinabi ni PCO Sec. Cesar Chavez, tungkulin nito na bago mag-alas-4 ng umaga ay dapat ay may-anunsyo. Iyon ay kung kinakailangang magbigay ng anunsyo ang Office of the President (OP) bunsod na rin ng paminsan-minsang paglakas ng ulan sa bansa.
Sinabi pa rin niya na mayroong focal person mula sa Executive Secretary, mula sa PCO na talaga aniyang dapat gumising ng alas-3:00 ng umaga para sa desisyon na dapat gawin.
“We will take the risk kapag nagsabi kami before 4 o’clock meron ng suspension ng klase, ng gobyerno or private kung saka-sakaling may gano’n man. We will take the risk kahit pag 9-11 o’clock ng umaga ay umaraw. We will take the risk,” ang paliwanag ni Chavez.
At bago mag-gabi aniya kapag alam aniya nila na may problema sa weather system, titingnan nila ang situwasyon sa Metro Manila at kapaligiran nito, gabi pa lamang aniya ay maga-anunsyo na ang PCO.
“Ang i-announce ang PCO, either we limit to local government units to decide or we will decide. So, at least dalawa yan,” aniya pa rin. Kris Jose