MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Risa Hontiveros nitong Miyerkules na patuloy niyang tinuturing sina Senator Francis “Kiko” Pangilinan at Paolo Benigno “Bam” Aquino bilang mga kaalyado sa pulitika, matapos ang kanilang desisyon na sumali sa Senate majority bloc.
“We and our parties are still allies. On issues where our opinions align, there is still a possibility to work together, even here in the Senate,” saad ni Hontiveros sa isang press briefing nitong Hulyo 31.
Pinagtibay din niya na ang kanyang trabaho sa loob ng minorya ng Senado ay mananatiling nakahanay sa mas malawak na kilusan ng oposisyon, sa loob at labas ng kamara.
“I still consider them as allies. And my priority, from within the united minority, is to continue working to strengthen the opposition outside the Senate. I expect that my fellow minority members — and our allies outside Congress — will share this goal,” aniya.
Tinapos ni Hontiveros ang kanyang mga pahayag sa pamamagitan ng pagbibigay-diin na may nananatiling puwang para sa kooperasyon sa mga shared advocacies, sa kabila ng mga kamakailang pagbabago sa political alignments ng Senado. RNT/MND