Home NATIONWIDE Hontiveros, nagbabala vs “evil elements” na naiwan ng POGO

Hontiveros, nagbabala vs “evil elements” na naiwan ng POGO

MANILA, Philippines – Mahigpit na nagbabala si Senador Risa Hontiveros sa sinasabi nitong “evil elements” na naiwan sa isinaradong Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) kaya’t kailangan magbantay nang todo laban sa posibleng pagbuo ng bagong anyo nito.

Sa kanyang sponsorship speech sa pagsalang ng Committee Report No. 514 hinggil sa imbestigasyon ng Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality sa human trafficking sa mga scam hubs, sinabi ni Hontiveros na “other legal entities and avenues remain in jeopardy of being used as Trojan horses.”

“Nandiyan ang Special Class of BPOs. Nandiyan ang mga katulad na negosyo sa ilalim ng special economic zones. Nandiyan ang mga POGO na maaaring mag-operate sa casino o integrated resorts na may junket agreement o lisensyado ng PAGCOR,” ayon kay Hontiveros.

“Ngayon pa lang, may nakukuha nang report ang aming opisina mula sa empleyado ng POGO. Pinapalipat na sila ng base of operations sa isang casino sa Parañaque, at gaya ng sa POGO, naka-dorm sa isang condominium sa Pasay. Magpapatuloy ang mga scam operation at lahat ng iba pang panloloko ng POGO kung hindi natin ito tutukan,” aniya.

Binanggit ni Hontiveros ang isang elementong criminal na nananaling nasa bansa na si Wan Kuok-Koi, alyas “Broken Tooth” na tinaguriang Asia’s most notorious gangsters at lider ng 14k triad.

“His crimes involve illegal gambling, loan-sharking, corruption related to casinos, and allegedly even attempted murder. Sikat siya sa tinatawag na “pig-butchering” scam, na natagpuang kalakaran rin ng mga POGO dito,” ani Hontiveros.

Ipinakita ni Hontiveros ang litrato ni Broken Tooth kasama si Chinese Li Duan Wang na nag-aaplay na maging a Filipino citizen. Tanging si Hontiveros ang tumutol sa pagbibigay ng Filipino citizenship kay Li dahil bukod sa pugante ito, isa pa siyang POGO boss.

“Gaya ni She Zhijiang, ni Guo Hua Ping, ni Yang Jianxin, at ni Liduan Wang, itong si Broken Tooth ay may kaugnayan sa united front activities ng Chinese Communist Party, at sinasabing may relasyon sa senior Chinese state party officials, kasama na ang mga military at defense apparatus,” ani Hontiveros.

Sinabi pa ni Hontiveros na patuloy na nakatatanggap ng reklamo ang kanyang tanggapan hinggil sa human trafficking na nangyayari sa ibang bansa sa Asya.

“Kung hindi sila maka-scam, sinasaktan, tino-torture. They need our immediate help. Mr. President, binalak po nilang tumakas sa kanilang kinalalagyan nitong nakaraan lang na Chinese New Year. Ngunit maliban sa armadong gwardiya ang kanilang kakaharapin, sinabihan sila na kailangan nilang lumangoy sa ilog sa pagitan ng Myanmar at Thailand para makarating sa kaligtasan,” ani Hontiveros.

Umapela din siya na tulungan si Merlie Castro, isang co-accused ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, na ninakaw ang kanyang pagkakakilanlan.

“As we end this Chapter, I wish to, in these final moments, draw attention once more to Merlie Castro. Ina, simpleng tao, namimili lang sa palengke. Ngayon nakakulong sa salang human trafficking dahil ginamit ang kanyang ID ng mga masasamang loob gaya ni Guo Hua Ping. May justice be hers, and may it be swift,” paliwanag ni Hontiveros.

Ilan sa rekomendasyon na inilatag sa Committee Report 514 matapos ang ilang pagdinig sa human trafficking at POGOs wrapped up.

Isa dito ang pagsasampa ng kasong criminal sa lahat ng public officials na sangkot sa illegal POGO activities at nagbibigay proteksiyon kay Guo na mas kilala bilang Guo Hua Ping tulad ni Sual, Pangasinan Mayor Lisandro Calugay at staff nito.

Pinakakasuhan din si Tony Yang o Yang Jianxin na sangkot sa pekeng Filipino identity at kasong economic sabotage laban sa nadakip sa POGO raids.

Inatasan din ng report ang Department of Foreign Affairs na kausapin si She Zhijiang, ang self-confessed Chinese spy, at Bureau of Immigration na mag-ulat hinggil sa repormang inilatag nito laban sa POGO. Ernie Reyes