Home NATIONWIDE Negosasyon sa pagsuko ng MILF members na sangkot sa Basilan clash, nagpapatuloy

Negosasyon sa pagsuko ng MILF members na sangkot sa Basilan clash, nagpapatuloy

MANILA, Philippines – Nagpapatuloy ang negosasyon para sa pagsuko ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na sangkot sa bakbakan sa Basilan, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Romeo Brawner Jr.

“Continuous po yung ating negotiations with them,” ani Brawner.

Naghain na ng protesta ang AFP sa pagkakaugnay ng ilang miyembro ng MILF sa bakbakan.

“We are following the peace mechanisms. Meron naman po tayong peace mechanisms na sinusunod. So nag-file na po tayo ng protesta laban sa mga miyembro ng MILF na sumama dun sa pag-ambush ng mga tropa natin sa Basilan,” aniya.

Samantala, sinabi ni Brawner na patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang mga sangkot sa engkwentro na mula sa iba pang grupo.

Matatandaan na noong Enero 22 ay inatake ng armadong grupo kabilang ang mga miyembro ng MILF, ang mga tauhan ng 32nd Infantry Batallion ng Philippine Army.

Dalawang sundalo ang nasawi sa insidente.

Kamakailan ay sinabi ni MILF Peace Implementing Panel chairperson Mohagher Iqbal na posibleng dahilan ng sagupaan ay ang kakulangan ng koordinasyon sa pagitan ng dalawang panig. RNT/JGC