Home METRO 2 bangag timbog sa latak ng droga

2 bangag timbog sa latak ng droga

Bulacan – Arestado ng mga pulis ang dalawang binatang balisa matapos umanong mahulihan ng mga parapernalyang hinihinalang may latak ng iligal na droga sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na sina alyas Fred Jay, 25, painter, residente ng Brgy. Bagong Buhay at Jonie, 24 construction worker ng Brgy. San Rafael.

Sa report ng SJDM police station, naganap ang insidente bandang 9:30 ng gabi nitong February 4 sa Brgy. San Rafael 4.

Ayon sa imbestigasyon, namataan ng mga nagpapatrulyang pulis ang dalawang katao na lulan ng motorsiklo at may kahina-hinalang kilos.

Nabatid na nang lapitan para tanungin ay napansin ng mga pulis na may itinapon ang mga ito at mga balisang-balisa.

Nang beripikahin ay nadiskubreng glass pipe na may pinaghihinalaang shabu/ marijuana residue at improvise glass tooter.

Nahaharap sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ang mga suspek na sinabihan din ng mga pulis ng kanilang constitutional rights. Dick Mirasol III