Home IN PHOTOS Hotel-style rooms handog ng BJMP Manila sa PDLs at bisitang asawa

Hotel-style rooms handog ng BJMP Manila sa PDLs at bisitang asawa

MANILA, Philippines – May magandang handog ang pamunuan ng BJMP- Manila City Jail para sa mga inmates o Persons Deprived of Liberty (PDLs) ngayong Valentine’s Day at ito ay ang motel-style na kuwarto.

Ayon sa MCJ, maaring gamitin ng inmates ang kuwarto kasama ang kanilang asawa na bibisita ngayong Valentine’s Day.

DALAWANG hotel-style conjugal room na nilagyan ng dekorasyon, mga pailaw, at air-conditioning unit ang inihanda ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology-Manila para sa couples (legal na mag-asawa at live-in partners) upang ipagdiwang ang Araw ng mga Puso sa loob ng piitan. CRISMON HERAMIS

Ayon kay Jail Warden, Supt. Lino Soriano, dinisenyuhan ng mga kulang pulang lobo at mga puso upang maging kaaya-aya sa mga mag-asawa para sa kanilang pisikal na aktibidad.

Upang mas kumportable ang inmate at kanyang asawa ay ginawang air-conditioned ang mga kuwarto.

Hinikayat naman ng pamunuan ng City Jail ang mga bibisita sa kanilang mga asawa o partners sa kulungan na magdala ng sarili nilang higaan para sa hygiene purposes.

Upang ma-accomodate ang mas maraming couple ngayong Araw ng mga Puso ay pinahaba ang iskedyul ng conjugal visits mula alas 10 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon na dati ay hanggang 15 minuto lamang. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)