Home ENTERTAINMENT Matutina, pumanaw na!

Matutina, pumanaw na!

 

Manila, Philippines – Sumakabilang-buhay na ang batikang komedyana na si Matutina nitong umaga ng February 14.

Siya ay 78 taong gulang.

Born Evelyn Bontogon (-Guerrero), ang malungkot na balita ay kinumpirma mismo ng kanyang anak na si Sheila sa Facebook.

Acute respiratory failure due to volume fluid overload ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ito’y dahilan na rin sa kanyang Stage 5 chronic disease dulot ng hypertensive nephrosclerosis.

Dekada 70 hanggang 90 nang pumailanlang si Matutina sa kanyang papel bilang kasambahay ni Doña Delilah played by Dely Atay-Atayan sa sitcom na John en Marsha.

Nagsimula bilang radio talent si Matutina.

Nadiskubre siya ni direk Ading Fernando na naghahanap ng maika-cast bilang maid sa nasabing sitcom.

Si Matutina ay panganay sa magkakapatid na napagtapos niya ng pag-aaral.

Huli siyang kinapanayam ni Julius Babao sa vlog nito.

Ayon pa nga kay Matutina, bagama’t hindi na raw niya kakayaning mag-voice talent ay okey pa siyang maging voice coach.

Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa mga naiwan ni Matutina. Ronnie Carrasco III