MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Senate Majority Leader Francis ‘TOL’ Tolentino ang kanyang buong suporta sa mga pangunahing programa ng gobyerno na naglalayong pabilisin ang pag-unlad ng ekonomiya sa Panay Island.
Sa press conference ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas senatorial candidates na ginanap sa Iloilo City, sinabi ni Tolentino na siya ay “all for the completion” ng 210-kilometer Iloilo-Capiz-Aklan Expressway (ICAEx).
Ang proyektong expressway ay dadaan sa dalawang lungsod at 20 munisipalidad sa tatlong probinsya sa buong Panay Island, ito ay, Aklan, Capiz, at Iloilo.
Binanggit niya na isang mahalagang bahagi ng ICAEx ay ang Panay-Guimaras Bridge, na mag-uugnay sa Panay sa isla-probinsya ng Guimaras, na kilala sa world-class na produksyon ng mangga.
Bukod sa ICAEx, pinuri ni Tolentino ang pagbubukas ng Sunset Boulevard sa Iloilo City, na naglalayong mapabuti ang daloy ng trapiko at magbigay ng recreational space para sa mga Ilonggo.
“Bilang dating tagapangulo ng MMDA (Metro Manila Development Authority), alam ko ang kahalagahan ng urban renewal, transport infrastructure, at pagtugon sa trapiko para makamit ang mga layunin sa pag-unlad,” ayon kay Tolentino.
Binanggit ang mga pangunahing batas para sa rehiyon, sinabi ng senador na mahigpit niyang sinusuportahan ang pagpasa ng Republic Act No. 11735, na nagtatatag ng satellite multispecies marine hatchery sa bayan ng Batad, Iloilo.
“Ang mga marine hatcheries na ito ay gumagawa ng fingerlings na pakikinabangan ng sektor ng pangisdaan, hindi lamang sa Iloilo, kundi pati na rin sa iba pang lugar at probinsya, tulad ng Dagupan, Pangasinan, isang pangunahing prodyuser ng bangus,” ipinunto ng senador.
Binanggit din ni Tolentino ang potensyal ng Iloilo na maging sentro ng medical tourism. Dahil dito, itinutulak niya ang pagtatayo ng mga medical center para umakma sa mga medical school sa mga state universities sa mga lalawigan.
Si Tolentino ay reeksyoinista sa ilalim ng political party ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP).