Home NATIONWIDE Bong Go: Kailangan natin ng kakampi sa Senado na ipaglalaban ang Pilipino

Bong Go: Kailangan natin ng kakampi sa Senado na ipaglalaban ang Pilipino

Nawagan si reelectionist Senator Bong Go sa taumbayan na suporta at ihalal ang mga kandidato na magiging kakampi niya sa Senado at tunay na ipaglalaban ang kapakanan ng mga Pilipino.

Idinaos ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ang opisyal na proclamation rally nitong Huwebes sa Club Filipino, Greenhills, San Juan City sa pangunguna ni dating Pangulo at chairman ng partido na si Rodrigo Roa Duterte.

Muling pinagtibay ng PDP ang pangako nitong itaguyod ang pambansang kaunlaran, mabuting pamamahala, at kapakanan ng mamamayang Pilipino.

 Pinasalamatan ni Senator  Go, chairperson ng Senate committees on health, on youth, and on sports, ang publiko sa kanilang patuloy na pagtitiwala at suporta.

 “Sa lahat ng mga nandito, maraming salamat sa inyong suporta lalo na sa mga loyalista… Alam niyo, bilog ang mundo at may Panginoon tayo na hindi tayo pababayaan… Ayaw ko manira, hayaan na natin ang mga Pilipino ang humusga,” ani Go.

 “Ipagpapatuloy ko ang pagseserbisyo sa inyo dahil ‘yan naman po ang aking sinumpaang tungkulin.  Hindi po ako politiko na basta mangangako.  Gagawin ko lang ang aking trabaho sa abot ng aking makakaya,” dagdag niya.

 Ibinahagi ng mga kandidato ng PDP ang kanilang mga plataporma at binigyang-diin ang kanilang pangako sa pagtataguyod ng mga reporma na naaayon sa adbokasiya ng PDP-Laban.

 “Pakiusap ko lang po, tulungan ninyo po silang lahat, the more na may kakampi tayo sa Senado, mas makatutulong tayo sa sambayanang Pilipino,” apela ng senador.

Bukod sa kanya, sa kasalukuyan ay mayroon na lamang dalawa pang senador mula sa PDP sa Upper Chamber, sina Senator Robinhood “Robin” Padilla at Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

 “Tulungan ninyo naman kami ni Bato (referring to fellow PDP candidate Senator dela Rosa) para dadami kami, Senator Robin, Senator Bato at ako, marami kaming makikipaglaban sa inyo sa Senado, makikipaglaban hindi lang po para sa mga Duterte, makikipaglaban sa kapakanan ng Pilipino,” sabi ni Go.

Kasabay nito, hinimok niya ang kanyang mga kapartido na unahin ang interes ng mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap.

Sa kanyang unang panunungkulan bilang senador, gumawa si Go ng 16 batas at pangunahing nag-sponsor sa 82 batas, kabilang ang 80 batas para sa pagtatayo at pag-upgrade ng mga pampublikong ospital.  Co-author at co-sponsor din siya sa 185 iba pang nauugnay na batas.

 Kabilang sa mga batas na ito ay ang Republic Act No. 11463, o ang Malasakit Centers Act of 2019, na pangunahing isinulat at itinaguyod ni Go. Pinabilis nito ang access sa tulong medikal para sa mga mahihirap pasyente.  Sa ngayon, mayroong 167 Malasakit Centers sa buong bansa.   Kabilang dito ang 93 sa Luzon, 30 sa Visayas at 44 sa Mindanao na nakatulong na sa mahigit 17 milyong Pilipino, ayon sa DOH. RNT