KOREA – Inanunsyo ng transport ministry ng South Korea ang bagong hakbang sa kaligtasan ng paglipad matapos ang sunog sa isang Air Busan plane noong Enero.
Simula Marso 1, papayagan ang mga pasahero na magdala ng hanggang limang portable batteries na may 100 watt-hours, habang ipinagbabawal ang mga higit sa 160 watt-hours.
Kasama sa seguridad ang inspeksyon ng mga baterya, at ipinagbabawal ang pag-charge ng baterya sa flight.
Ipinagbawal din ng ministry ang paglalagay ng power banks at e-cigarettes sa overhead bins upang maiwasan ang sunog.
Walang nasaktan sa sunog sa Air Busan, na natukoy sa isang overhead bin bago ang pag-alis.
Ipinagbabawal ng global standards ang mga baterya sa checked luggage dahil sa panganib ng sunog. RNT