Home NATIONWIDE House panel nagkasundo sa rekomendasyon sa reklamo vs Alvarez

House panel nagkasundo sa rekomendasyon sa reklamo vs Alvarez

MANILA, Philippines – “Unanimous” ang naging desisyon ng House Committee on Ethics and Privileges sa reklamo laban kay Davao del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez, ayon kay panel chairperson Rep. Felimon Espares at vice chairperson Rep. Raul Bongalon.

Nakumpleto na ng komite nitong Martes, Mayo 22 ang report at rekomendasyon, ngunit tumanggi na magbigay ng detalye. Ipapasa ito sa House Committee on Rules, na magtatakda naman ng schedule sa plenary voting para sa rekomendasyon.

Nauna nang binatikos ni Tagum City Mayor Rey Uy si Alvarez na nakagawa umano ng “disorderly behavior” at “violations of the code of conduct of the House of Representatives” nang magbitaw ng “libelous” na pahayag laban sa mga lokal na opisyal, at naglabas ng “seditious” remarks makaraang himukin niya ang Armed Forces of the Philippines na magbitaw ng suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa rally sa Tagum City noong nakaraang buwan.

Itinanggi naman ni Alvarez ang alegasyon at sinabing sakop siya ng right to free speech.

“So, early this morning, around past ten in the morning, the Committee on Ethics and Privileges convened to discuss the merits of the case filed against Cong. Pantaleon Alvarez. And I apologize because I’m not at liberty to disclose the committee recommendation, but what we have done earlier is that we have already approved the committee report as to the penalty or sanction to be imposed against Congress. Pantaleon Alvarez,” ani Bongalon.

“Unanimous po ang naging botohan ng mga miyembro ng Committee on Ethics and Privileges para magrekomenda ng penalidad laban po kay Cong. Alvarez. Again, we would like to emphasize that the committee’s decision is just recommendatory and that is subject for the approval of the Plenary in the session,” dagdag pa niya.

Ani House Majority Leader Rep. Manuel Jose “Mannix” Dalipe, kung naipasa ang rekomendasyon sa House Committee on Rules nitong Martes, posibleng ngayong araw ay talakayin ito sa plenaryo bago magtapos ang sesyon. RNT/JGC