Home METRO 2-anyos patay sa salpukan ng trak, tricycle

2-anyos patay sa salpukan ng trak, tricycle

MANILA, Philippines – Patay ang 2-anyos na bata habang sugatan ang lima iba pa sa salpukan ng isang truck at tricycle sa Calasiao, Pangasinan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-overtake ang tricycle driver na ama ng biktima, ngunit bigong makita ang paparating na trak dahilan para sa salpukan.

Dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. Nagtamo rin ng pinsala sa katawan ang ama.

“Paparating ‘yung isang truck galing Calasiao, hindi nakontrol ang manibela ng tricycle, sumalpok. Nagkasalpukan sila. Head-on collision. Lumusot siya sa e-bike,” ayon kay Calasiao Police OIC Police Lieutenant Colonel Ferdinand Lopez sa panayam ng GMA News. RNT/JGC