Home NATIONWIDE House probe sa bank records ni VP Sara, “witch hunting” – solon

House probe sa bank records ni VP Sara, “witch hunting” – solon

129
0

Manila, Philippines – Hindi lang fishing expedition ang nangyari sa pagdinig ng House Justice Committee kungdi witch hunting.

Ito ang naging reaksyon ni dating Congressman Mike Defensor matapos ilantad ng AMLC ang “inflow-outflow” sa bangko ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng SMNI sinabi ni Defensor na, “ ang mabigat pa diyan, ang AMLC talaga ay walang karapatan na magbigay ng mga ganoon o pag-usapan ng Justice Committee dahil malinaw iyan na korte ang  pwedeng magbukas ng mga bank accounts.”

Paliwanag pa ng dating kongresista na mahirap aniyang idahilan na ang ginagawa ng komite ay bahagi ng proseso ng impeachment dahil nangangahulugan ito na lahat ng pwedeng kasuhan ay ipatatawag na ang AMLC, mga back accounts, may kaso iyan ngayon sa Korte Suprema.

“Pero dapat naging responsible ang komite tungkol dito at lalong higit ang AMLC na talagang alam naman nila na may jurisprudence na diyan, may mga desisyon na ang Korte Suprema tungkol dito.  Hindi nila dapat pinayagan iyong ganyang pagsira lalo at higit sa isang tao na inihalal ng bayan, vice president natin, may boto iyan.  Ang standard ng impeachment ay hindi lamang basta-basta, napakataas niyan.  Napakabigat ng ginawa ng Kongreso sa due process,” ani Defensor.

Kasabay nito ay sinabi rin ng dating mambabatas na kung siya ang tatanungin ay walang laman, hindi nakakagimbal at hindi nakaka-impluwensya ang mga napag-usapan sa komite.

“Ang nakita ko ay hindi lamang fishing expedition kungdi witch hunting ang nangyari sa Committee on Justice hearing.”

Naniniwala si Defensor na hindi dapat nailabas at tinalakay sa House Committee on Justice at dapat na naging maingat dito ang Kamara. (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here