Home OPINION ‘HUGAS-KAMAY’ NA ANG BSP

‘HUGAS-KAMAY’ NA ANG BSP

97
0
NAUWI sa sampahan ng kaso ang ating ‘National ID Project,’ mga kabayan. Dangan nga kasi, sa hindi malinaw na dahilan, “ipinasa” ng Bangko Sentral ang trabaho nang pag-imprenta nito sa ‘AllCard Inc.,’ isang pribadong kompanya.
Ayaw man umamin ng BSP, ‘subcontracting’ ang ginawa ni ex-BSP governor Benjamin Diokno sa proyektong   pabor dito sa AllCard noong 2020– kahit malinaw sa Memorandum of Agreement o MOA ng BSP at Philippine Statistics Authority na hindi ito pwede. Ayon pa nga sa PSA, “nasorpresa” sila sa naging diskarte nitong si Diokno.
Ginastusan natin ng higit P3 bilyon ang nasabing proyekto para sa suplay ng 116 milyon National ID cards para sa lahat ng Pilipino, kasama na ang ‘resident aliens.’ Dapat na-deliver ang kabuuang bilang noon pang 2023. Kayo ba, dear readers, may national ID na? He! He! He!
Reklamo kasi ng Crime and Corruption Watch, wala pang 43 porsyento (higit 50 milyon) pa lang ang natapos na IDs sa pagtatapos ng 2023.
Nitong Enero, kinaladkad na ng CCWI ang BSP, si Diokno at AllCards sa Court of Appeals upang panagutin sa transaksyon na amoy “rigged/favored bidding,” batay sa mga dokumentong nakita natin.
Aber, alam ba ninyo na higit P162 milyon na ‘penalty’ ng AllCard, “bantulot” pa ring singilin ng BSP– at “pumayag” pa nga sa ‘arbitration.’ Para ayusin kung magkano ang dapat na areglo, err, danyos, nitong ACI?
Sa kuwenta rin ng CCWI, aabot na sa higit P1 bilyon ang penalty nitong AllCards!
Bilang “hugas-kamay” sa “lumansang transaksyon,” kinansela ng BSP ang kontrata noong Agosto 15. “Bumuwelta” ang AllCards at nitong Setyembre 9, nakakuha ng Temporary Restraining Order sa Quezon City Regional Trial Court.
‘In the end,’ may maparusahan kaya?
Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here