Manila, Philippines – Tanging Diyos lang ang may hawak ng ating kapalaran.
Ito ang binigyang-diin ni Cristy Fermin sa kabila ng latest na hula ng binansagang prophetic witch na si Mamu Gloria Escoto.
Tulad ng anumang hulang base sa nakikita sa mga cards o crystal ball ay gabay lang ito o babala sa anuman ang posibleng mangyari.
Kaya nga hula, ‘di ba?
Ayon kay Mamu Gloria na kinapanayam ni Rommel Tsika na kasama ni Cristy sa Showbiz Now Na, malabo raw makauwi ng Pilipinas si Kris Aquino sa darating na buwan.
Matatandaang sa interbyu ni Ogie Diaz kay Kris sa Orange County sa LA, California ay sinabi nitong uuwi na siya sa bansa sa September.
Ayon kay Mamu Gloria, ang ‘di pagkakatuloy ng homecoming ni Kris ay dahil sa ‘di raw magandang kalagayan nito.
Paglilinaw pa nito, pupuwede naman daw umuwi si Kris kung gugustuhin nito kaso’y may mga taong nakapaligid sa kanya na natatakot for her.
Kung matatandaan din, biglang napabalik ng Amerika ang magkapatid na Joshua at Bimby dahil sa ibinalitang “sad news” ng kanilang ina.
Ang hula tungkol sa ‘di magandang kundisyon ni Kris ay salungat sa outward appearance nito, na kinakitaan ng pisikal na improvement.
Isa na rito ang medyo malamang pingi hindi tulad ng mga nakaraang buwan.
Malaking tulong din ang umaayos na aura ni Kris dahil sa kanyang nobyong doktor.
Samantala, to Mamu Gloria’s credit ay siya ang nakahula ng paglaya ni Vhong Navarro mula sa piitan.
Siya rin ang nakahula ng paghihiwalay nina Kathryn Padilla at Daniel Padilla, at Liza Soberano at Enrique Gil. Ronnie Carrasco IiI