Home NATIONWIDE Permanent Court of Arbitration, mahalaga sa foreign policy ng Pinas – PBBM

Permanent Court of Arbitration, mahalaga sa foreign policy ng Pinas – PBBM

MANILA, Philippines – MAHALAGANG bahagi sa foreign policy ng Pilipinas ang Permanent Court of Arbitration (PCA) sa gitna ng mga hamon na kinahaharap ng bansa ngayon.

Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa courtesy call ni PCA Secretary General Marcin Czepelak sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes, Agosto 29.

“I’m very happy that you visited us this year… the Permanent Court of Arbitration is an important part of our foreign policy, considering all the challenges that we are facing right now, and our continuing adherence to international law,” ang sinabi ni Pangulong Marcos matapos na mainit na tinanggap si Czepelak sa Palasyo ng Malakanyang.

Ang PCA ay naging mahalaga sa Maynila noong 2013 nang kuwestiyunin ang 10-dash line ng Beijing sa tribunal. Ang 10-dash line ay itinuturing na ‘sweeping claim’ ng Tsina sa South China Sea, kabilang na ang West Philippine Sea, na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas. Kris Jose