Home OPINION HUSTISYA PARA SA NI-REYP, TSINAPTSAP

HUSTISYA PARA SA NI-REYP, TSINAPTSAP

119
0

ALAK lang kaya ang nagtulak sa isang lalaki para patayin at halayin saka tsaptsapin at sunugin ang ulo ng isang babae?

Baka naman may droga pa, ha!

Naganap ang malagim na krimen sa Tarangnan, Samar kamakailan.

Kinilala lang na Joy ng mga awtoridad ang biktima habang sinampahan na ng kaukulang kaso ang suspek.

Umamin umano ang suspek sa krimen.

Ayon sa kapitan ng barangay sa lugar, tila sadya ng lalaki ang mang-rape dahil unang pinuntahan nito ang bahay ng biktima ngunit hindi niya nadatnan.

At nasawata pa ito ng kapitan.

Pero naisagawa pa rin ng tarantado ang krimen sa kalaunang.

PINATAY MUNA BAGO NIREYP

Nang masakote ang suspek ng mga pulis, naging aligaga ito.

Habang nagtatagal, kumanta na rin ang suspek.

Inabangan niya umano ang biktima sa pag-uwing nito.

Nang makatiyempo na siya, pinukpok niya sa ulo ng matigas na bagay ang biktima na siyang ikinamatay nito.

Pansamantala niyang iniwan ang biktima saka niya binalikan upang reypin.

Makaraan nitong isagawa ang makamundo nitong pagnanasa, dito na niya pinagputol-putol ang bangkay ng babae sa paa, kamay, katawan at ulo saka inisilid sa sako at itinapon ang bangkay sa ttabing-dagat.

Nadiskubre ng mga mangingisda ang bangkay ng biktima na palutang-lutang, iniulat sa mga awtoridad at dito na sumunod ang pagkakilanlan ng 31 anyos na babae na residente ng Brgy. Kahunghan na nawawal pa simula noong nakaraang Biyernes.

Sabi ng suspek, lasing lang umano siya pero kaya nito nagawa ang krimen.

MABILIS NA KASO

Kung saka-sakali, mabilis lang magkaroon ng desisyon ang kaso laban sa suspek.

Sa ganitong uri ng krimen na may pag-amin ang salarin, hindi aabutin ng siyam-siyam ang kaso mula sa Regional Trial Court hanggang Korte suprema.

Baka sa loob lang ng limang taon, pinal na ang desisyon ng Korte Suprema.

Ang siste, kung dahil sa tulong ng mga abogado niya, sasabihin nilang nasiraan lang ng ulo ang suspek at hindi alam ang kanyang ginawa, baka mapawalang-sala pa.

Kapag mahirap pa nga ang suspek, baka ipagtatanggol pa siya ng mga abogado ng Public Attorney’s Office ni Madam Persida Acosta, na talagang magagaling.

Ipaglalaban ng kanyang mga abogado na siya’y inosente sa krimen hanggang mapatunayang siya’y nagkasala.

NAKATAGA SA BATO

Dapat nakataga sa bato ang mga ebidensya laban sa suspek upang walang halong pagdududa sa akusasyon laban sa kanya.

Sa pag-amin lang nito sa krimen, nagkaroon ba siya ng abogado, of his own choice, nang gawin nito?

Kapag wala, naku, yari ang ebidensya ng mga pulis sa aminan.

Kaya naman, dapat may mga karagdagang ebidensya, direkta man o circumstancial at iba para madiin nang husto ang suspek.

Nasaan ang itak na ginamit, nasaan ang matigas na bagay na ipinampukpok sa biktima?

Nasamsam ba ang mga ito at dumaan sa laboratoryo at lahat ng palatandaan sa krimen na makukuha sa mga itak o matigas na bagay, nauugnay ba nang walang kaduda-duda sa suspek, sa biktima at sa paggawa ng krimen?

Pray na lang natin na makakamtan ng pamilya ni Joy ang tamang katarungan.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here