Home NATIONWIDE Imelda nasa mabuting kalagayan na – PBBM

Imelda nasa mabuting kalagayan na – PBBM

MANILA, Philippines – Nagbigay ng update si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ukol sa kalagayan ng kanyang ina nadating unang ginang na si Imelda Marcos matapos na isugod sa ospital.

Sinabi ni PBBM na “nasa mabuting kalagayan” at hindi nahihirapang huminga ang kanyang ina kasunod ng kanyang pagkakaospital dahil sa pneumonia.

Sa isang pahayag, kinumpirma ni Marcos, na kasalukuyang nasa Melbourne, Australia, na ang kanyang ina ay may slight pneumonia.

Sinabi niya na nakausap niya ang kanyang mga doktor at sinabi sa kanya na siya ay nasa mabuting espiritu at nagpapahinga nang maayos.

“I just spoke with my mother’s doctors. She is suffering from slight pneumonia and is running a fever. She has been put on a course of antibiotics and the doctors are confident that this will relieve her fever,” ani Marcos nitong Martes, Pebrero 5.

“She is in good spirits, has no difficulty in breathing and is resting well,” dagdag pa ng Pangulo.

Pinasalamatan din ng Pangulo ang publikong Pilipino sa kanilang pagmamalasakit at panalangin. RNT

Previous articleHUSTISYA PARA SA NI-REYP, TSINAPTSAP
Next articlePresyo ng bigas bababa na sa peak-harvest season – DA