MANILA, Philippines- Tiniyak ng bagong talagang Department of Justice (DOJ) Prosecutor General na paiiralin ang rule of law at ihahatid ang agarang hustisya.
Sinabi ni Prosecutor General Richard Anthony D. Fadullon na sa gitna ng kinahaharap na kontrobersiya ng DOJ, patuloy na gagampanan ng National Prosecution Service ang tungkulin nito nang tapat.
“I ask for your prayers as I continue to embark on this journey towards improving the prosecution service and ensuring that the administration of justice is delivered in real time,” ani Fadullon.
Aminado si Fadullon na lubos nitong ikinagalak ang pagkakahirang sa kanya bilang prosecutor general ni Pangulong Marcos.
Pinasalamatan naman ni Fadullon si Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla dahil sa ibinigay nito na tiwala at suporta sa kanya.
Pinalitan ni Fadullon si prosecutor general Benedicto A. Malcontento na nagbitiw nitong Oct. 16.
Si Fadullon ay beterano na sa DOJ kung saan 30 taon itong nagsilbi sa kagawaran. Teresa Tavares