Manila, Philippines- Labis na ikinadurog ng puso ni dating Laguna Governor ER Ejercito ang pagpanaw ng kanyang misis at dating aktres-pulitiko na si Girlie Ejercito o mas kilala bilang Maita Sanchez.
Maita was 55.
Nalagutan siya ng hininga dakong 12:01 ng umaga nitong November 3.
Endometrial cancer ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
She is survived by ER and their six children.
Ang lamay ay sa Don Porong Ejercito 1912 Ancestral Home sa Pagsanjan, Laguna.
Maita’s last film appearance was in Regal’s Shake, Rattle & Roll Extreme noong 2023.
Most of Maita’s movies were action flicks kabilang ang ginawa niya kasama si Fernando Poe Jr.
Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa mga naulila ni Maita Sanchez. Ronnie Carrasco III