Home OPINION HUWAG PADRIBOL SA BASKETBOLISTA, TROBOL ANG RESULTA

HUWAG PADRIBOL SA BASKETBOLISTA, TROBOL ANG RESULTA

ILANG araw na lang ay nalalapit na ang paghuhukom sa mga opisyal ng pamahalaan na may mga ginawang kabulastugan sa kanyang nasasakupan at nagsamantala sa tiwala ng mamamayan.

Sa ikatlong distrito ng lungsod Quezon o 3rd District of Quezon City, may masangsang na amoy na pilit na kumakawala sa pinagtaguan dito upang hindi magreklamo ng mga tao. Pero may kasabihan nga, “walang lihim na hindi nabubunyag.”

Ito ang dapat mabatid ng dating basketbolista at ngayon at Congressman Franz Pumaren na sinasabing inireklamo ng isang alias Juanito Navarro, na residente sa distritong nasasakupan ng mambabatas, sa Office of the Ombudsman.

Sa reklamo sa Ombudsman, isinama ni Navarro sa reklamo ang mga contractor mula sa Aylan Construction & Trading at CG General Construction & Development Corporation kaugnay sa paglabag sa anti-graft and corrupt practices act, Government Procurement Reform Act, Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, Revised Penal Code (Articles 220, 217, at 171), National Building Code of the Philippines, at Civil Code (Article 21723) na nag-ugat sa pagtatayo ng multi-purpose building sa Barangay Pansol,Gayunman, hindi ito natapos at binaklas ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways.

Bukod umano roon, sumulat din itong Navarro sa Commission on Audit upang paimbestigahan ang mga proyektong inilunsad umano ni Pumaren na pawang hindi naman mga natapos subalit idineklarang matagumpay na nagawa tulad ng Multi-purpose building with site development sa Barangay Ugong Norte na nagkakahalagang P39M; Multi-purpose building sa Belarmino High School na nagkakahalagang P24M at idineklara itong tapos na, ngunit ito ay inabandona na mayroon lamang isang konkretong poste na nakatayo at Multi-purpose building sa Brgy. White Plains na idineklarang tapos, ngunit kasalukuyan pa ring itinatayo na nagkakahalagang P47M.

Tumugon si Pumaren sa mga paratang sa kanyang Facebook account noong Abril 10 at sinabing ang lahat ng pondong nakalaan para sa proyekto ay naibalik sa Bureau of the Treasury. Dito, nagpakita siya ng mga patunay upang suportahan ang kanyang pahayag.

Itinuro niya na ang mga proyektong ito ay nagsimula sa ilalim ng administrasyon ni Congressman Allan Reyes. Ngunit, ayon sa mga dokumento, na-aprubahan ang kontrata para noong Nobyembre 10, 2022— sa panahong si Pumaren na ang naka-upo sa puwesto.

Kaya naman, mga taga district 3 ng QC huwag na magpabola pa sa mahusay sa fast break na basketbolista. Ididribol lang kayo nang ididribol nito kaya ang bagsak nyo ay trobol.

Alam na! Sa darating na halalan, dapat maging matalino na. Huwag na pabola……