Home OPINION HUWAG PALOLOKO

HUWAG PALOLOKO

193
0

MULING iminungkahi ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict  ang pag-iingat ng lahat sa mapanglinlang na panghihikayat ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Inilabas ang paalala kahit na naghihingalo na ang bilang ng mga pesteng ito, dahil marami pa rin namomonitor ang task force na panloloko ng CPP-NPA-NDF.

Una, dadaanin kayo sa panghihikayat na sumuporta sa mga gawain nila na pakikibaka sa sektor na sinasabi nilang kinakawawa ng pamahalaan, gaya ng mga manggagawa, estudyante, mahihirap atbp.

Kapag nakuha ang iyong simpatiya, bibilugin nang bibilugin ang iyong ulo sa umanoy kasamaan ng pamahalaan. Hanggang sa mabola ka na sumama naman sa kanilang ‘armadong pakikibaka’, tuturuan kang humawak ng armas, paaakyatin sa bundok at isasamang makipagbakbakan sa militar, hanggang sa mapatay.

Marami na ang ganyang nabiktima, lalo na sa hanay ng mga kabataang nasa kolehiyo. Kaya giit ng NTF-ELCAC, mag-ingat tayo. Lahat ay pwedeng maengganyo ng mga pesteng ito.

Ito ang sinabi ni NTF-ELCAC Executive Director at Undersecretary Ernesto Torres Jr. sa isang virtual na press conference kamakailan lamang. Huwag tayong maniwala agad sa maling idelohiyang ipinapasok sa ating mga isipan ng mga komunistang-terorista.

Mararamdaman naman natin ito, ayon kay Torres, sa mga kilos ng mga tinatawag na Underground Mass Organizations.

Ibinigay ni Torres na ang mga UGMO na ginagamit ng CPP-NPA-NDF ay gaya ng Revolutionary Congress of Trade Union’s na may kinalaman din sa mga Kilusang Mayo Uno; MAKIBAKA o Makabayang Kilusan ng mga Bagong Kababaihan hanggang sa GABRIELA.

Ganito magmaniobra ang mga komunistang-terorista sa hanay ng mga estudyante, pinangungunahan ng League of Filipino Students, National Union of Students of the Philippines, College Editors Guild of the Philippines, Kabataan, sa pangrerecruit.

Ang UGMO, ayon kay Torres, lalo na ang Kabataang Makabayan, ay ginagawa ang lahat para makuha ang ating simpatiya, paniniwala at bandang huli ay ang ating pagsali na sa kanilang armadong pakikipaglaban sa pamahalaan.

Kaya ingat-ingat na lang tayo sa mga ganitong estilo ng mga kalaban ng pamahalaan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here