MANILA, Philippines- Naaresto ng mga pulis ang isang high-value individual (HVI) at nasamsam ang halos P4.5 milyong halaga ng high-grade marijuana sa isang drug operation sa Baguio City.
Sinabi ni Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) chief Brig. Gen. Eleazar Matta nitong Linggo na naaresto ang hindi pinangalanang suspek, isang 20-anyos na lalaking residente ng Barangay Ampucao sa Itogon, Benguet, bandang alas-2:30 ng hapon nitong Sabado sa Barangay Burnham-Legarda-Kisad.
Narekober sa suspek ang tatlong elongated packages na nakabalot sa brown packing tape, naglalaman ng dried leaves na hinihinalang high-grade marijuana (kush) na may timbang na tatlong kilo at non-drug evidence.
“The PDEG’s successful operation demonstrates the power of strategic law enforcement in combating illegal drugs. Families now have one less threat to worry about as their neighborhoods become safer. The agency’s tireless dedication ensures that the public can live in peace and security,” pahayag ni Matta.
Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Special Operation Unit of Cordillera Administrative Region ang suspek at ang non-drug evidence.
Itinurn-over ang drug evidence sa Regional Forensic Unit in La Trinidad, Benguet para sa laboratory examination. RNT/SA