MANILA, Philippines- Nabastos umano ng isang barangay tanod ang isang ginang na naging ugat ng kamatayan ng una sa Tondo, Maynila kamakalawa.
Sa impormasyon, naganap ang pamamaril sa tanod ng Brgy. 38 habang nag-iinuman ang isang grupo.
Nauna rito, nagluluto umano ng paninda nang tatlong beses puntahan ng gunman sa bahay ang biktima.
Upang walang madamay na ibang tao sa loob ng bahay, ang biktima ay nagpunta sa inuman at napasaludo pa sa gunman bago siya nito pinaupo malapit sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang pinagbabaril ng suspek
Matapos ang pamamaril ay agad ding tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.
Tumakas din ang apat niyang kainuman.
Ayon sa impormasyon, sinabi ng kaanak ng biktima na dating magkakosa sa bilangguan ang gunman at biktima.
Napag-alaman din na isang lalaki na kakilala rin ng biktima ang tinawagan ng gunman kung saan nalaman na tila nabastos ng biktima ang nanay ng gunman matapos sabihan na “may asim pa.”
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay dito.
Nagpapatuloy din ang pagtugis ng mga pulis sa gunman na wanted din sa iba pang insidente ng pamamaril. Jocelyn Tabangcura-Domenden