Home ENTERTAINMENT Ian, no-show sa puntod ni Ate Guy na nag-bday!

Ian, no-show sa puntod ni Ate Guy na nag-bday!

62
0

Manila, Philippines – Nitong May 21, Huwebes ay birth anniversary ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Bilang pagdiriwang, nagtipun-tipon ang kanyang mga anak na sina Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth de Leon sa puntod nito sa Libingan ng

Mga Bayani.

Mismong si Lotlot ang nagbahagi ng larawan nilang magkakapatid.

Naroon din ang isang anak niyang si Maxine, habang dumating si Matet kasama ang asawa’t isang anak.

Kenneth came with his wife and child, habang mag-isang dumating si Kiko.

Maikli lang ang caption ni Lotlot bilang pagbati sa ina.

Si Ian lang ang absent pero ayon sa isang fan ay nasa Iriga City ito para sa tribute ng ina doon.

Pakiusap ng isang fan, huwag na raw bigyan ng kulay ang ‘di pagsipot ni Ian.

Darating din daw ang panahong magkakaayos ang mga magkakapatid.

Ipinagtanggol din ng isang fan si Ian: “Probably he’s not posting everything he does on social media.

“Let him be.”

Tulad ng inaasahan, marami pa ring loyal Noranians ang dumalaw sa puntod ng kanilang idolo.

Happy birthday, Ate Guy! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here