Home NATIONWIDE Iba pang foreign language pinasasama sa K to 12 curriculum

Iba pang foreign language pinasasama sa K to 12 curriculum

MANILA, Philippines – Isang resolusyon ang pinagtibay ng House of Representatives na nag aatas sa Department of Education (DepEd) na magsama ng iba pang foreign language studies, maliban sa English sa K to 12 Basic Education program.

Layon ng House Resolution 1502 na taas ang “employability” ng mga graduates kung mayroon itong alam na iba pang foreign language.

Ayon kay Minority Leader Marcelino Libanan, may akda ng panukala, magiging angat ang mga estudyanteng Pinoy sa global labor markets kung bihasa ito sa iba pang lenggwahe.

“The whole world has become a global village with integrated multilingual labor markets, thus creating a strong demand for workers with foreign language skills. Global corporations based in the United States, China and Japan prefer hiring staff who can speak a second foreign language besides English” paliwanag ni Libanan.

“Filipino graduates equipped with foreign language skills shall reinforce the labor export strategy that has made the Philippines the world’s fourth largest recipient of foreign exchange remittances from overseas workers, next only to India, Mexico, and China,” dagdag pa nito. Gail Mendoza

Previous articleKampanya vs dayuhang sexual predators inilunsad ng BI
Next articleSpecial non-working holiday sa Paranaque sa Pebrero 13