Home NATIONWIDE IBON: P1,216 minimum wage sapat na pantustos sa pamilyang Pilipino

IBON: P1,216 minimum wage sapat na pantustos sa pamilyang Pilipino

313
0

MANILA, Philippines- Halos doble ng kasalukuyang minimum wage ang pang-araw-araw na gastos ng isang pamilyang Pilipino, sinabi ng IBON Foundation.

Ayon pa sa IBON, kailangang kumita ng P1,216 kada araw ang isang pamilyang Pilipino mula sa kasalukuyang minimum wage na P645 sa Metro Manila para lamang matustusan ang mga pangangailangan sa araw-araw.

Dahil dito, marami ang napipilitan na pumasok sa trabaho kahit mababa ang sweldo o kaya naman ay mangutang para lamang maitawid ang pang-araw-araw na pamumuhay dahil sa napakalaking agwat sa pagitan ng sahod at aktuwal na pangangailangan ng isang pamilyang Pilipino.

Mula 2008, hindi na naglalabas ang gobyerno ng family living wage kaya ang IBON ang nagsimulang mag-update nito batay sa inflation, ayon kay IBON Executive Director Sonny Africa.

Sa kasalukuyan, tinatayang P1,216 ang kailangang kita ng isang pamilyang may limang miyembro.

Nasa 15% ng mga Pilipino rin ang nanatiling mahirap dahil sa mabagal na pag-unlad ng ekonomiya, kakulangan sa industriyalisasyon, at napapabayaang agrikultura.

Kamakailan lamang ay inaprubahan ng Kamara de Representantes ang panukalang P200 dagdag sa minimum wage sa pribadong sektor ngunit sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pag-aaralan pa niya ang mga posibleng epekto nito sa ekonomiya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here