Home NATIONWIDE IBP Davao chapter nanawagan kay Quiboloy na sumuko na

IBP Davao chapter nanawagan kay Quiboloy na sumuko na

MANILA, Philippines – Pinalakas pa ng mga mambabatas ang naging panawagan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Davao City Chapter kay Pastor Apollo Quiboloy at sa mga kapwa akusado nito na sumuko at sundin ang batas.

Tinuring ni 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez na isang “bold and necessary call,” ang naging panawagan ng IBP-Davao City Chapter.

“This is not just about following the law; it’s about showing respect for our justice system and ensuring that due process is carried out fairly. I urge Pastor Quiboloy to heed this call and demonstrate his respect for the rule of law by submitting to the judicial process,” pahayag ni Gutierrez, na isang abogado.

Gayundin ang sintimyento ni Assistant Majority Leader Jil Bongalon, na isa ring abogado, aniya, “non non-negotiable” ang rule of law sa isang demokrasyang bansa.

“The rule of law is the foundation of our democracy, and no one is above it. The IBP’s statement is a clear reminder that justice must prevail, regardless of who is involved,” ani Bongalon.

Sa panig ni Deputy Majority Leader Jude Acidre sinabi nito na mismong taga-Davao na ang umaapela kay Quiboloy.

“I commend the Davao City Chapter of the IBP for their strong stand on the importance of the rule of law,” paliwanag nito.

Sinabi naman ni Deputy Majority Leader at PBA Party-list Rep. Margarita Nograles, isa ring abugado na kailangan na ipatupad ang batas para mapanatili ang rule of law, public trust at ang hustisya.

“Our legal system must be allowed to operate without hindrance, and it is crucial that those accused of crimes face the charges against them in a court of law,” pahayag ni Nograles.

Ang pahayag ng IBP ay sa harap na rin ng tensyon sa pag-isyu ng warrant od arrest kay Quiboloy na nahaharap sa kasong child abuse at human trafficking. Gail Mendoza