Home ENTERTAINMENT Ibyang, may ‘banta’ kina Ria at Zanjoe!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ibyang, may ‘banta’ kina Ria at Zanjoe!February 22, 2025 07:30 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines – As if getting pregnant happens overnight.Ito ang gustong mangyari ng first-time lola na si Sylvia Sanchez sa mag-asawang Ria Atayde at Zanjoe Marudo.Dahil sa kanyang busy work sked, Ibyang gets to see her first grandchild Baby Sabino only on Sundays.But the actress makes sure na sinusulit niya ang pagdalaw sa apo.She still leaves parenting up to the couple na hands-on daw kung pag-aalaga ang pag-uusapan.Pero may “banta” si Ibyang sa mag-asawa.“Pag nakakapagsalita na’t nakakausap at marunong nang umintindi ang apo ko, sa akin na ‘yan! Hahaha!” aniya.As much as possible daw ay gustong magbilang ng apo si Sylvia.Kaya naman inaagad na niya sina Ria at Zanjoe na sundan na si Baby Sabino.But with Arjo Atayde and Maine Mendoza, she lets the couple decide when the right time to have a baby comes.“Bahala sila, buhay naman nila ‘yan.“But just the same, pag nagkaanak sila, sa akin din ‘yon! Hahaha!” biro niya.Walang duda nga na motherhood becomes Sylvia.Kakaibang fulfillment daw ang maging lola.Kumbaga, “tumubo” na siya sa kanyang mga anak, may bonus pa! Ronnie Carrasco III