MANILA, Philippines – Tatlong weather system ang magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, ang Visayas, MIMAROPA, Bicol Region, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Caraga, Davao Region, Laguna, Batangas, at Quezon ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms dahil sa shear line.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan din at thunderstorm ang mararanasan sa Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi dahil sa easterlies.
Samantala, ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan, habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains.
Easterlies din ang magdadala ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms sa nalalabing bahagi ng Mindanao. RNT/JGC