Home NATIONWIDE ICC humiling ng paglilinaw sa mga abogado ni dating Pangulong Duterte

ICC humiling ng paglilinaw sa mga abogado ni dating Pangulong Duterte

171
0

THE HAGUE, Netherlands – Humiling ang International Criminal Court (ICC) prosecution ng paglilinaw kung kabilang ba sa defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga abogado na binanggit niya sa confirmation of charges hearing.

Sa dokumento noong Marso 6, sinabi ni Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang na nais nilang makumpirma kung sina Salvador Medialdea, Salvador Panelo, Martin Delgra, Silvestre Bello, Alfredo Lim Jr., at Cesar Dulay ay talagang bahagi ng defense team.

Ayon sa dokumento, ang mga pangalan ay nabanggit sa publiko sa hearing kahit sinabi sa prosecution bago ang sesyon na hindi sila kabilang.

Dahil dito, humiling ang ICC prosecution na i-utos ng Pre-Trial Chamber I na kumpirmahin ng defense:

–Hindi miyembro ng defense team ang anim na abogado.

–Hindi at hindi rin sila makakatanggap ng anumang confidential o non-public na dokumento.

–Wala silang karapatang makipag-ugnayan kay Duterte sa Detention Center nang may legal privilege.

Haharapin ni Duterte ang tatlong counts ng crimes against humanity sa ICC dahil sa war on drugs noong kanyang administrasyon, na umabot sa hindi bababa sa 6,000 katao ayon sa government records, at higit 30,000 base sa human rights groups, kabilang ang mga batang tatlong taong gulang. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here