MANILA, Philippines – Hindi dapat payagan ang mga representative ng International Criminal Court (ICC) na makapasok sa bansa para imbestigahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay senatorial aspirant Luis “Chavit” Singson.
“I don’t think anything will come out of that,” ani Singson.
“First of all, I do not believe in the ICC [jurisdiction].”
Insulto umano sa Supreme Court Justices kung papayagan ang mga imbestigador ng ICC na makapasok sa bansa.
“We have laws here. Are we not capable? Why do we need to import foreigners to sentence people [here]?” tanong ni Singson.
Sa halip aniya ay tutukan na lamang ang pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa at pagsisilbi sa mamamayan.
“Let’s invite [foreign] investors in, not judges from other countries,” anang senatorial aspirant. RNT/JGC